Dapat isipin palagi ng OFW wives and OFW husbands na ang overseas contract ng kanilang spouse ay merong Hangganan. One year, two years, or 3 years, or 5 years, baka wala na. Puedeng ang company ay magsara, or puedeng matanggal na kahit hindi kasalanan ng OFW.
Kapag iniisip palagi ito, mapipilitan ang OFW spouses na magtipid at magtabi ng pera sa savings bank. Marami na ngayon banks na nag-o-offer ng savings accounts na para lang sa OFWs.
Ang pinaka-popular ngayon ay ang BDO Kabayan savings account ng Banco de Oro. Madali lang kasing makuha itong account na ito. Mag-present ka lang ng receipt ng remittance from abroad, your 2 valid IDs and a 1x1 photo. Kung isa lang ang ID na digitized, puedeng mag-present ng barangay clearance or certification.
Ang advantages ng BDO Kabayan savings account ay:
- walang maintaining balance, basta merong remittance at least once a year
- merong passbook at merong ATM card
- ang initial deposit ay 100 pesos lang
Ang advantages ng BDO as a bank:
- merong branches sa SM Malls
- maraming ATM machines
- maraming branches
Pero puede ring maging disadvantage itong location sa Malls, kasi madaling magwidro at madali ring gastusin. Dapat isipin na madaling mag-DEPOSIT.
Pilitin na merong savings, na merong maiwan sa buwanang pinapadala. Laging isipin na hindi magtatagal ang trabaho sa abroad.
Meron ding BPI Easy Saver savings account. Wala ring maintaining balance ito. Pero merong 5 pesos na ATM withdrawal fee...para hindi palaging nagwi-withdraw at para maplano ang pagwidro.
OFW wives, OFW husbands
0 Comments
Post a Comment